Pudpod na ang suwelas ng sapatos ko, ngawit na ang binti sa kalalakad, kahahanap sa iyo. Pumipintig mga ugat, mga mata'y lumuluwa katitingin sa kawalan, sa kawalan. O nasaan?
Sinuyod na lahat ng maisipang puntahan, at laging gising sa kagigimik, kaiikot sa gabi. Sinuong na ang baha, sinugod ang bagyo, pinilit na masilip ang anino mo, woooh, mahal ko.
Ikaw ang nag-iisang laman ng panaginip ko
Bumibilis ang tibok, ang tibok, ang tibok ng puso ko
Sa tuwing maiisip kong hinihintay mo rin ako
Sa tuwing maiisip ko, maiisip na magkikita rin tayo
Mahal ko, magkakakilala rin tayo
Sino ka ba? Excited na 'kong makilala ka. Ano'ng itsura mo? Ano ang hilig? Sa'n ka ba kinikilig? Bago pa makita ka alam ko nang mahal kita 'di maiisip na iwanan ka, woooh, ako'y iyong-iyo.
Ikaw ang nag-iisang laman ng panaginip ko
Bumibilis ang tibok, ang tibok, ang tibok ng puso ko
Sa tuwing maiisip kong hinihintay mo rin ako
Sa tuwing maiisip ko, maiisip na magkikita rin tayo
Mahal ko, magkakakilala rin tayo
Woooh, ikaw ang hinihintay, sana ika'y abot-kamay
Pasabugin ang kulay, dahil sa 'king buhay
Ikaw ang nag-iisang laman ng panaginip ko
Bumibilis ang tibok, ang tibok, ang tibok ng puso ko
Sa tuwing maiisip kong hinihintay mo rin ako
Sa tuwing maiisip ko, maiisip na magkikita rin tayo
Mahal ko, magkakakilala rin tayo
Ad lib
- completed July 16, 2008, recorded draft July 18th
No comments:
Post a Comment