Sunday, January 27, 2008

Bakit Kung Kailan

Niyakap nang mahigpit
Sa gabing malamig
Tinuring na akin
‘Di iba sa akin

Minahal ka nang tunay
Lahat sa ‘yo’y inalay
Nakitang nagkamalay
Mundo’y nagkakulay

Pero dahil handa ka nang
Tumayong mag-isa
Ngayon ba’y lilisan na

Ang mga kahapong puno ng saya
Malilimutan na lang ba
Bakit kung kailan mahal na kita
Saka ka mawawala


Paano'ng bukas na
Binuong magkasama
Ngayong ang pangarap mo'y
Iba na

Maiiwan na lang ba
Akong nag-iisa
Binubuhay sa puso
Ating ala-ala

Pero dahil handa ka nang
Abutin ang pangarap
Ngayon ba’y lilisan na

Ang mga kahapong puno ng saya
Malilimutan na lang ba
Bakit kung kailan mahal na kita
Saka ka mawawala


Ang yakap kong mahigpit
Alay na taimtim
Baunin 'tong pag-ibig
Tangan mong init
Sa tuwing malamig

- written in December 2007 for Mikee, music completed February 18th

4 comments:

  1. of course not! d kita iiwan nuh! hehehe! i love you! tenks sa lyrics... hehehe...

    ReplyDelete
  2. remember the song "i turn to you" na pina-request ni ate jay n kantahin ni jOna(tama b?) that song is for you..
    hehehehe...ako nag parequest kay ate jay n sbhin un ky "jona" hehehe.. love you olweiz!

    ReplyDelete
  3. thanks sister. dama ko naman eh. hehe. love you, too!

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails

The Chronicler's Creed

Where there's water and sun, where there are friends to see or new people to meet, where there's something new to learn, experience, or do, where there's life, there I will be.

LA POESÍA

Y fue a esa edad... Llegó la poesía
a buscarme. No sé, no sé de dónde
salió, de invierno o río.
No sé cómo ni cuándo,
no, no eran voces, no eran
palabras, ni silencio,
pero desde una calle me llamaba,
desde las ramas de la noche,
de pronto entre los otros,
entre fuegos violentos
o regresando solo,
allí estaba sin rostro
y me tocaba.

And it was at that age... Poetry arrived
in search of me. I do not know, I do not know where
it came from, from winter or a river.
I do not know how or when,
no, they were not voices, they were not
words, nor silence,
but from a street I was summoned,
from the branches of night,
abruptly from the others,
among violent fires
or returning alone,
there I was without a face
and it touched me.

- An excerpt from LA POESÍA (Poetry) by Pablo Neruda