Sa maikling sandali
Nagtalik ang mga mata:
Ilang saglit ng pagnanasa
Na makaniig ang isa't isa.
Pagsamong 'di ikinaila,
Pag-iisang hinangad nang lubusan
Inihayag sa isang tingin.
Pagtanging tulad ng sa isang bituwin
Sadyang ibinato sa hangin.
Woooh...
Dapat bang pagsaluhan ang isang kahangalan
Isang pagtinging walang katiyakan?
Dapat ba kong umasa sa isang malik-mata
Isang sandaling sadyang hindi atin?
Nakaw-tingin
Ikinatakot ang paglilingkis
Ng malalagkit nating titig
Nangamba sa 'yong pagsuyo
Umiwas ako't piniling lumayo.
Umalpas na ang sandali,
Dagli ko itong naisip
At tinanggap nang malugod.
Pero naaninagan ka sa 'king likod
Pinili mo palang sa aki'y sumunod.
Umiwas ako't piniling lumayo.
Umalpas na ang sandali,
Dagli ko itong naisip
At tinanggap nang malugod.
Pero naaninagan ka sa 'king likod
Pinili mo palang sa aki'y sumunod.
Woooh...
Dapat bang pagsaluhan ang isang kahangalan
Isang pagtinging walang katiyakan?
Dapat ba kong umasa sa isang malik-mata
Isang sandaling sadyang hindi atin?
Nakaw-tinginAng apoy ng paggiliw mo,
Mabilis na sumiklab, mabilis ding naglaho
Biglang binawi ang hamon mo
Isip mo'y kaagad na nagbago.
Bago pa 'ko nakakurap
Nawala ka na lang nang parang bula.
Tinangay na ng hangin
Palayo sa mainit kong pagtingin,
Palayo nang palayo sa 'king piling.
- written January 9th, revised with music January 12th
Mabilis na sumiklab, mabilis ding naglaho
Biglang binawi ang hamon mo
Isip mo'y kaagad na nagbago.
Bago pa 'ko nakakurap
Nawala ka na lang nang parang bula.
Tinangay na ng hangin
Palayo sa mainit kong pagtingin,
Palayo nang palayo sa 'king piling.
Woooh...
Dapat bang pagsaluhan ang isang kahangalan
Isang pagtinging walang katiyakan?
Dapat ba kong umasa sa isang malik-mata
Isang sandaling sadyang hindi atin?
Nakaw-tingin
No comments:
Post a Comment